Jelaica Bobier Personal Website


Home | Profile | Autobiography | Gallery | Favorites | Contact


My Favorite Audio

Ako Naman Muna
by:Angela Ken

Kada hakbang sa lupa’y para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko

Pigang‑piga na sa mga problemang ’di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas, pwede bang umiwas?
Hinahanap ang sarili ngunit ’di na
Kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko
’San na ’to patungo?
’San na ’ko patungo?

Dahan‑dahan nating simulan muli ang pag‑hakbang
Dahan‑dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan
Dahan‑dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na
Pero ’di ka nag‑iisa
Kaya’t lumaban ka
At sabihing, “Ako naman muna”

Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi nalang usok
Walang malinis halos puro polusyon, parang ako raw na konsumisyon
Gulong‑gulo ang isip ’san ba lulugar kapag nag‑kamali
Grabe sila manghusga, bakit perpekto ba sila?

Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
Nang makapunta sa paroroonan kung…

Dahan‑dahan nating simulan muli ang pag‑hakbang
Dahan‑dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan
Dahan‑dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na
Pero ’di ka nag‑iisa
Kaya’t lumaban ka
At sabihing, “Ako naman muna”
“Ako naman muna”

Huwag papalamon sa lungkot
Huwag hahayaang malugmok ang puso mo sa ibabato sa’yo ng iba
Tandaan mong sapat ka

Dahan‑dahang tanggalin ang maskara at
Hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
Dahan‑dahang iangat ang mukha upang
Masilayan ang mga taong ika’y pinapahalagahan
Oo, pagod ka na
Pero ’di ka nag‑iisa
Kaya’t lumaban ka
At sabihing, “Ako naman muna”
“Ako naman muna”


Darating Din Yon
by:Tj Monterde

Ako’y maghihintay, tiwala sa gabay
Pilit akong nakahakbang
At sa ’king pagdilat ay hawak na ’yong kamay
Kapit na panghabang‑buhay

Hindi ko ipagpapalit
Pagmamahal mo sa saglit

Sa tamang panahon, darating din ’yon
Ako naman ang pipiliin
Kung ’di man ngayon, darating din ’yon
Pag‑ibig na mananatili
Darating ka rin

’Di ka man kasabay sa aking paglalakbay
Magkarugtong ating daan
Ang tamang oras ay sa’tin ibibigay
Magkakaroon din ng saysay

Hindi ko ipagpapalit
Pagmamahal mo sa saglit

Sa tamang panahon, darating din ’yon
Ako naman ang pipiliin
Kung ’di man ngayon, darating din ’yon
Pag‑ibig na mananatili
Darating ka rin

At kung ’di ko man maintindihan
Ngayon ang dahilan
Ito’y may kahulugan
Ikaw ang kahulugan

Sa tamang panahon, darating din ’yon
Ako naman ang iibigin
Kung ’di man ngayon, darating din ’yon
Pag‑ibig na mananatili
Darating ka rin
At dumating ka rin…


Back to Favorites

Copyright: © 2026 jelabobier.online
®All Rights Reserved
&